UAAP | La Salle tinambakan ang UST; FEU nalusutan ang NU

Sumandal ang De La Salle University sa 28-13 run sa opening quarter para maiposte ang 99-72 na panalo laban sa University of Santo Tomas sa men’s basketball tournament sa Season 81 ng UAAP.

Hindi inalintana ng Green Archers ang una nilang pagharap sa dating head coach na si Aldin Ayo para durugin ang Growling Tigers.

Ito ang ikatlong panalo sa limang laro ng Archers para manatiling nakasosyo sa ikatlong puwesto sa team standings.


Maaalalang lumipat si Ayo sa UST bago magsimula ang season kahit ilang beses itong nagsabi na hindi siya aalis sa DLSU.

Sa ikalawang laro, tinalo ng FEU Tamaraws ang NU Bulldogs, 73-68 para makabangon sa talo nila kontra UE Red Warriors kamakailan.

Sa panalo, umakyat sa 3-2 win loss slate ang Tamaraws.

Facebook Comments