UAAP | Stephen Curry, dadalo sa opening ng UAAP Season 81

68

Nakatakdang dumalo sa opening ceremonies ng University Athletic Association of the Philippines o UAAP Season 81 ang Golden State Warrior Star player na si Stephen Curry.

Ito ang kinumpirma sa twitter ng National University na siyang host school ngayong Season 81.

Ayon sa NU, dadalo si Curry sa opening ceremonies sa Mall of Asia Arena sa Sabado, September 8 para magbigay inspirasyon sa mga atleta at sports fans ng UAAP.

Si Curry ay nasa Manila bilang bahagi ng kanyang paglilibot sa Asya para sa kanyang bagong sneakers endorsement.

Una nang bumisita sa Pilipinas si Curry noong 2015.

Facebook Comments