Manila, Philippines – Tuloy ang pamamasada ng Uber at Grab.
Ito’y makaraang pagbigyan ng LTFRB ang apela nilang huwag munang manghuli sa July 26.
Base na rin ito sa napagkasunduan ng dalawang panig sa isinagawang closed door meeting sa senado.
Sabi ni Senadora Grace Poe, tuloy lang ang pamamasada ng Uber at Grab habang pinag-aaralan ng LTFRB ang inihain nitong Motion for Reconsideration.
Samantala, dismayado naman ang ilang pasahero sa pagpapasara ng MMDA sa tatlong bus terminal sa Quezon City dahil sa paglabag sa ‘nose in nose out policy.’
Kabilang rito ang DLTB, Dimple Star at Roro Bus Lines na nasa kahabaan ng EDSA Santolan.
Ayon naman kay LTFRB spokesman at Boardmember Atty. Aileen Lizada – nagpadala na siya ng mga bus sa EDSA para alalayan ang mga pasaherong uuwi sa kani-kanilang probinsya.