Uber, nag-sorry sa LTFRB sa kanilang paghaharap sa Senado

Manila, Philippines – Nag-sorry kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB Chairman Martin Delgra ang manager ng Uber Technologies for Southeast Asia na si Michael Brown.

Ito ay ng magkaharap sila bago magsimula ang closed door meeting na ipinatawag ni Committee on Public Services Chairperson Senator Grace Poe.

Ayon kay Brown, lumipad siya papunta rito buhat sa Singapore para makipag-ayos dahil sa misunderstanding na sila ang may kasalanan.


Tinanggap ng Delgra ang paumanhin, nag-shake hands pa sila pero pinagsabihan nito si Brown na dapat sumunod sa mga batas ang Uber.

Ayon kay Delgra, hindi niya nagustuhan ang pahayag ng isang opisyal ng Uber na “The fight is not yet over” kasunod ng suspensyon na ipinataw dito ng LTFRB.

Giit ni Delgra kay Brown, hindi ito fight o laban kundi pagresolba sa mga isyu sa sektor ng transportasyon.

Facebook Comments