Manila, Philippines – Pormal nang nagbayad ng P190-milllion na multa ang Transport Network Company na UBER matapos payagan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board kapalit ng isang buwang suspensyong dahil sa paglabag nito sa ban ng pagtanggap ng mga bagong partner drivers.
Mismong ang mga abogado ng Uber na sina Atty. Roberto Ramiro at Ane Mascenon ang nagbayad ng multa sa LTFRB office sa Quezon City.
Pero, hindi na nagbigay pa ng anumang pahayag sa media ang mga Uber lawyers.
Ang 190 million fine ay mapupunta sa National Treasury.
Hindi pa maaring makapagsimulang makabalik sa operasyon ang Uber hanggat hindi makapagpakita ng certification ng depository bank na pinaglagakan ng financial assistance na P19.9 million bawat araw na ibinigay sa mga drivers nito sa loob ng 28 days.