"Ugly Pummelo", Target Maitanim ng DA Region 2

Cauayan City, Isabela-Target ng Department of Agriculture Regional Field Office O2 (DA RFO2) na makapagtanim ng kabuuang 500,000 Sweet Abulug Pummelo (SAP) seedlings bilang suporta sa lumalaking industriya ng pomelo-based products.

Una nang bumuo ng iba’t ibang klase ng pummelo ang ahensya o mas kilala bilang “ugly pummelo”, kung saan perfect combination ito ng tamis at asim na tiyak na malaki ang potensyal at bentahe sa iba pang mga kilalang pummelo sa bansa.

Iginawad naman ng DA RFO2 –NCES ang 10,000 SAP seedlings sa apat na kinilalang Farmer Cooperatives Associations (FCAs) na CVLMROS Integrated Cooperative, Cadaanan SWIP II Irrigators Association, Santiago SWIP II Irrigators Association, at Rang-ay ti Pussian Farmer Cooperation.


Dagdag pa dito, siniguro naman ni Department of Trade and Industry Region 02 (DTI-RO2) Regional Director Romleah Ocampo na tutulong ang kanilang ahensya sa global marketing ng SAP maging sa pag-unlad ng produkto.

Nangako naman ang Philippine Chamber of Commerce and Industry Region 02 (PCCI-RO2) Regional Governor Cloyd Velasco na kanilang pagyayamanin ang agribusiness sa SAP production.

Hinimok naman ng ahensya ang mga interesadong magtanim ng Sweet Abulug Pummelo na makipagtulungan sa kanila upang itaas ang interes ng iba pa sa pagtatanim nito.

Facebook Comments