Manila, Philippines – Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na sa 40 taong paguugnayan ng ASEAN at ng Canada ay mas lalo pang lalawak ang kooperasyon ng dalawa sa mga susunod pang taon.
Sa opening Remarks ni Pangulong Duterte sa ASEAN – Canada Summit ay sinabi nito na patuloy na gumaganda ang ugnayan ng ASEAN at Canada para labanan ang problema sa Terorismo at himan trafficking.
Umaasa din naman si Pangulong Duterte bilang Chairman ng ASEAN, na mapagtitibay pa ang ugnayan ng ASEAN sa Canada sa issue ng pagsusulong ng karapatan ng mga kababaihan at kabataan pati narin ang karapatan ng migrant workers bahang pinalalawig ang people to people relation.
Sinabi naman ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau na bilang pagpapakita ng suporta ay nagtalaga ang Canada ng Permanent Ambassador sa ASEAN.
Tiniyak din naman ni Trudeau na handa ang Canada na maging partner ng ASEAN sa susunod pang 50 taon at tutulong sa pagunlad.
Suportado din aniya ng Canada ang pagkakaroon ng Free trade Agreement, Labor Protection, Environmental Stewardship at Gender Equality.