UGNAYAN NG NAPOLCOM AT DAGUPAN CITY, PINATATAG PARA SA KALIGTASAN NG PUBLIKO

Pinagtibay ang ugnayan ng National Police Commission at Pamahalaang Lungsod ng Dagupan bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na palakasin ang mga hakbang para sa kaligtasan at kaayusan ng publiko.

Tinalakay sa pulong ang koordinasyon sa pagitan ng mga ahensya kasunod ng pag-upgrade ng Dagupan City Police Office sa Type “C-CPO” status, na itinuturing na mahalagang hakbang sa pagpapalakas ng kakayahan ng lokal na pulisya sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa lungsod.

Binigyang-diin din ang kahalagahan ng mas pinaigting na pagtutulungan upang maisulong ang mga programang nakatuon sa public safety, kabilang ang pagpapatupad ng mga kampanyang pangkaligtasan na layong maiwasan ang insidente lalo na sa mga panahong may pagdiriwang at mataas ang aktibidad ng publiko.

Ayon sa pamahalaang lungsod, sa pamamagitan ng mas matibay na ugnayan ng mga institusyon, inaasahang mapalalakas pa ang mga inisyatiba para sa mas ligtas, maayos, at mapayapang Dagupan City. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments