Tiniyak ni US Ambassador to the Philippines Sung Kim na higit pa ngayon na pai-igtingin ng Amerika at Pilipinas ang alyansa nito.
Kasunod ito ng kumpirmasyon ng militar na Pilipino ang suicide bomber sa nangyaring suicide bombing sa Mindanao.
Ayon kay Ambassador Kim, ang US at Pilipinas ay kapwa concern sa extremist activities sa Pilipinas.
Ginawa ni Ambassador Kim ang pahayag sa kanilang pagharap ni Philippine Ambassador to U.S Babe Romualde sa ginanap na 8th bilateral strategic dialogue sa Makati.
Tampok sa nasabing dayalogo ang usapin sa political, security at economic cooperation sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.
Samantala, inihayag naman ni Ambassador Romualde na puspusan ang pagtutulungan ng dalawang bansa para sa paglikha ng maraming trabaho sa US at Pilipinas.
Tiniyak naman ni Ambassador Kim na bagama’t naka-abang na sa kanya ang susunod niyang assignment bilang bagong US envoy sa Indonesia, mananatili siyang nakatutok sa kanyang trabaho sa Pilipinas hanggat hindi pa siya pormal na naililipat.