Ugnayan ng Pilipinas at EU, nais muling pagtibayin ni Pangulong Duterte

Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na kailangang pagtibayin ng Pilipinas at European Union ang ugnayan nito sa harap ng mga kasalukuyang pagsubok.

Ito ang sinabi ng Pangulo matapos niyang tanggapin ang credentials ni Ambassador-Designate ng EU sa Pilipinas na si Luc Varon.

Pero sinabi ng Pangulo na kailangang mayroong mutual respect at protection sa human rights.


Ang Pilipinas at EU ay mayroong malalim na respeto sa demokrasya at rule of law na maaari pang paghusayin.

Magsisilbi aniya itong matibay na pundasyon para mapalakas ang kooprasyon sa isa’t isa.

Dagdag pa ni Pangulong Duterte na makikipag-partner ang Pilipinas sa EU para mapalakas ang kalakalan at maisulong nag-proteksyon sa karapatan ng lahat.

Handa rin ang Pilipinas na makipagtulungan na mapagtibay ang kooperasyon sa climate change at humanitarian assistance at disaster relief.

Nagpapasalamat si Pangulong Duterte sa EU sa pagsuporta sa Pilipinas lalo na sa justice sector at pagkamit ng kapayapaan sa Mindanao.

Ang diplomatic ties ng Pilipinas at EU ay nagsimula noong 1964.

Facebook Comments