Uniform requirements para sa local travel, tatalakayin ng IATF

42

Susunod na tatalakayin ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang panukalang magkaroon ng uniform set of requirements sa Local Government Units (LGUs) para sa domestic travelers.

Aminado si Cabinet Secretary Karlo Nograles, iba-iba ang visitor entry requirements ng bawat LGU kaya apektado ang galaw o biyahe ng mga tao isa iba’t ibang panig ng bansa.


Ang meeting tungkol dito ay isasagawa ngayong araw.

Una nang inendorso ng Malacañang ang panukalang i-standardize ang travel at health requirements sa LGUs para mas maraming Pilipinong mahikayat na bumiyahe.

Facebook Comments