Mananatili pa ring matatag ang ugnayan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) at ng Philippine Basketball Association (PBA) sa kabila ng isyu kay Ateneo Coach Tab Baldwin na ikinagalit ng ilang PBA at local coach.
Ayon kay SBP President Al Panlilio, hindi makakaapekto sa kanilang pederasyon ang sinabi ni Baldwin na nasurpresa ito at nairita sa “tactical immaturity” ng mga Pinoy coach noong unang dating nito sa Pilipinas.
Sinabi naman ni PBA Commissioner Willie Marcial na makakatanggap ng parusa si Baldwin dahil sa krisismo nito sa one-import conference ng liga at officiating sa pagitan ng mga lokal na players at imports.
Bagama’t hindi pinanigan ng SBP si Baldwin sa isyu, naniniwala si Panlilio na magagawa ni Baldwin na malagpasan ang isyu sa kanya.