Inabisuhan ng United Kingdom ang kanilang mga kababayan sa Pilipinas na iwasang bumiyahe sa ilang lugar sa Mindanao.
Ito ay kasunod ng kambal na pagsabog sa isang simbahan sa Jolo, Sulu na ikinamatay ng nasa 18 katao at ikinasugat ng higit 80.
Base sa travel advisory ng Foreign and Commonwealth Office (FCO), pinapayuhan ang British citizens na huwag pumunta sa Western at Central Mindanao, maging sa Sulu archipelago dahil sa terrorist activity at bakbakan sa pagitan ng militar at ng mga rebeldeng grupo.
Nilinaw naman ng FCO na maari pa ring magtungo ang kanilang mga kababayan sa Camiguin, Dinagat at Siargao Islands.
Facebook Comments