UK, naglabas ng travel advisory sa Pilipinas kaugnay sa coronavirus

172

Naglabas ang United Kingdom ng travel advisory sa Pilipinas kasunod ng pagkalat ng coronavirus sa ilang bansa sa Asia at Amerika.

 

Batay sa advisory, inaabisuhan nito ang kanilang mga kababayan na sumailalim sa screening measure na inilatag ng mga otoridad.


 

Anila, hindi kapareho sa kanilang standard ang medical care sa Pilipinas at limitado ito sa mga remote areas kahit pa sikat ang bansa sa mga tourist destination.

 

Pinaaalalahan rin ang mga british national na tiyaking may travel health insurance at may dalang pera lalo na’t mahal ang pagpapaospital sa Pilipinas.

 

Nabatid na tinatayang 200,000 na briton ang bumabiyahe sa Pilipinas kada taon.

Facebook Comments