UK, naglabas ng travel warning sa Mindanao at Southern Cebu

Naglabas ng travel warning ang United Kingdom sa mga mamamayan nito na planong magpunta sa Mindanao at Southern Cebu dahil sa ilang insidente ng terrorist activities.

Mismong ang Foreign and Commonwealth Office (FCO) ng bansa ang nag-isyu ng travel warning matapos ang pagsabog sa shopping mall sa Cotabato City na ikinasawi ng dalawang indibidwal at ikinasugat ng 34 katao.

Sa kanilang advisory, sinabi ng UK na posibleng maglunsad pa ng mga pag-atake ang mga terorista sa iba pang bahagi ng bansa kabilang na sa Maynila.


Binanggit pa ng UK ang public notice ng United States transport Security Administration tungkol sa mahinang aviation security sa NinoyAquino International Airport (NAIA).

Sinabi pa sa advisory na 154,000 British nationals ang bumisita sa Pilipinas noong 2015 kung saan karamihan naman sa naturang mga pagbisita ay ‘trouble-free’.

Facebook Comments