UK PM Theresa May at tatlong miyembro ng conservative party, napanatili ang puwesto sa parliamentary

United Kingdom – Napanatili ni UK Prime Minister Theresa May at tatlo pang key members ng ruling conservative party ang kanilang puwesto sa parliamentary.

Kasunod ito ng isinagawang snap election sa Britanya.

Ayon sa report, nakakuha si May ng mahigit 37,000 boto sa kaniyang home constituency na maidenhead habang, panalo rin sa kani-kanilang mga lugar sina Secretary of State for Defense Michael Fallon, Secretary of State For Foreign Affairs Boris Johnson at Chancellor of the Exchequer Philip Hammond.


Bagama’t napanatili ang puwesto, hamon ngayon sa punong ministro kung paanong pamumunuan ang gobyerno lalo’t mayorya ng mga nanalo ay galing sa labour party na katunggali nito.
DZXL558

Facebook Comments