Pormal nang umalis sa European Union ang United Kingdom, hudyat ng pagtatapos ng 47-taong pagiging miyembro nito.
Ayon kay British Prime Minister Boris Johnson, ang Brexit ay itinuturing na isang pagbubukang liwayway.
Nagpatawag din si Johnson ng cabinet meeting kung saan sinabi niya na oras nang simulan ang bagong kabanata ng UK at tapusin ang pagkakahati-hati sa nakalipas na tatlo’t kahalating taon.
Pinag-usapan din ang future trade deals at mga hakbang laban sa coronavirus.
Nagtipun-tipon ang mga tagasuporta sa parliament square para ipagdiwang ang Brexit.
Ibinaba na rin ang watawat ng UK mula sa EU institutions sa Brussels.
Dahil dito, magsisimula sa transition period ang UK dahil karamihan sa mga batas ng EU ay iiral pa rin – kabilang ang free movement of people – hanggang sa katapusan ng Disyembre, kung saan target ng UK na magkaroon ng permanenteng free trade agreement sa EU.