Bumitiw na sa pwesto si British Prime Minister Boris Johnson.
Ito ay matapos siyang inabandona ng kaniyang higit 50 ministers at ang panawagan ng ilang mambabatas na bumaba na siya sa kaniyang panunungkulan.
Sa kaniyang talumpati ay sinabi nito na nagtalaga siya ng gabinete upang pansamantalang hahalili sa kaniyang binakanteng pwesto hanggang sa makahanap ng kapalit nito.
Dahil dito, kailangang maghalal ang Conservative Party ng bagong lider na tinatayang aabutin ng ilang linggo o buwan ang proseso.
Mababatid na dawit si Johnson sa kaliwa’t-kanang isyu kabilang ang pagbibigay ng maling impormasyon sa dating alegasyong sexual harassment laban sa mambabatas na si Christopher Pincher, pagkakamulta nito matapos um-attend ng isang birthday party kung saan napilitan itong humingi ng tawad kay Queen Elizabeth at ibang sex scandals na kinasangkutan ng kaniyang kapartido.
Sa kabilang banda, nagpasalamat naman si Johnson sa pamamagitan ng kaniyang Facebook page sa lahat ng sumuporta sa kaniyang panunungkulan bilang Prime Minister ng United Kingdom.