Suspek sa pagpatay sa isang engineer sa Bulacan, naaresto na!

Nahuli na ng mga otoridad ang suspek sa pagpatay sa isang 24 taong gulang na industrial engineer na napaulat na nawawala sa Bulacan.

Ayon sa Philippine National Police – Bulacan, naaresto nila ang suspek bandang alas kwatro ng hapon kahapon.

Nabatid naman ng pulisya na attempted rape ang pinag-ugat ng krimen na nauwi sa murder.


Dagdag pa ng pulisya, magkakilala ang biktima at ang suspek.

Matatandaang natagpuang patay si Princess Dianne Dayor noong Tuesday sa isang madamong lugar malapit sa hangganan ng Guiguinto at Malolos matapos mapaulat na nawawala ng kaniyang pamilya.

Huling nakita ng pamilya ng biktima si Princess noong Sabado bago ito umalis upang pumasok sa trabaho.

Facebook Comments