UK Secretary of State, nagbitiw sa pwesto

World – Nag-resign bilang government minister si UK Secretary of State Priti Patel matapos mabulgar ang sikretong pakikipag-pulong nito sa ilang mga Israeli officials, na paglabag sa diplomatic protocol*.*

Sa liham na ipinadala ni Patel kay UK Prime Minister Theresa May, humingi ito ng tawad dahil sa kanyang naging aksyon na taliwas sa inaasahan sa isang Secretary of State.

Dagdag pa nito, bagamat maganda ang hangarin niya ukol dito, inamin nito na nabigo siyang sundin ang pamantayan ng transparency at pagiging bukas na kanyang isinusulong.


Kaugnay nito, nagpasalamat pa rin ang UK Prime Minister ngunit iginiit nitong mali ang naging hakbang ni patel pagkat isinasagawa dapat ito ng pormal, at dapat na idinadaan sa mga opisyal, bilang nasa magandang estado ang relasyon ng UK at Israel.

Facebook Comments