Mga contractual employee na walang kita ngayong paparating na holiday, tutulungan ng DOLE

Manila, Philippines – Umaaray ngayon ang ilang empleyado sa mahabang special non-working holiday sa susunod na linggo sa Metro Manila, Bulacan at Pampanga dahil sa ASEAN Summit.

Ilang kontraktuwal na empleyado kasi ang walang kita ng ilang araw dahil sa polisiya na “no work, no pay” sa nov. 13, 14 at 15.

Kaaugnay nito, tiniyak ng Department of Labor and Employment ang kanilang ayuda.


Sa interview ng RMN, sinabi ni Labor Under Secretary Joel Maglunsod na maaaring ipasok sa emergency employment program ang mga contractual employee na ilang araw na walang trabaho.

Inaayos na rin aniya ng dole ang patakaran sa “no work, no pay” tuwing may mga holiday para sa mga manggagawang pinoy.

Facebook Comments