Humiling si Ukraine President Volodymyr Zelenskyy kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na magpadala ng mental health workers sa Ukraine.
Sa bilateral meeting ng dalawang lider, sinabi ni Zelenskyy na kailangan ng Ukraine ng mas maraming mental health workers para sa kanilang mga sundalo sa gitna ng krisis sa kanilang bansa.
Handa naman daw si Pangulong Marcos na magpadala ng mental health workers, lalo’t kilala raw ang mga Pilipino sa larangan ng pangangalaga ng kalusugan at pagbibigay ng tulong.
Ibibigay rin aniya ng bansa ang tulong lalo na para sa mga sibilyan na naaapektuhan ng digmaan.
Facebook Comments