PBBM, umaasang makahahanap ng paraan para tugunan ang territorial dispute na kinahaharap ng Russia at Ukraine

Umaasa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na makahahanap ng magandang paraan ang Pilipinas at Ukraine sa mga kinahaharap nitong hamon pagdating sa territorial dispute.

Ayon kay Pangulong Marcos, malaking bagay ang pagtungo sa bansa ni Zelenskyy para mapag-usapan ang mga ganitong hamon.

Nabatid na ang Pilipinas ay nahaharap sa patuloy na pambu-bully ng China at tangkang pag-angkin sa territorial waters ng bansa, habang ang Ukraine ay patuloy ring pinagtatangkaang sakupin ng Russia.


Hangad din ng pangulo na ang pagkikita nila ni Zelenskyy ay magdudulot ng mas maganda at kaaya-ayang sitwasyon.

Facebook Comments