Nagdeklara na ng state of emergency ang Ukraine epektibo ngayong araw.
Iiral ito sa loob ng tatlumpung araw kung saan magpapatupad ang Ukraine ng mga restriksyon na layong pakalmahin ang bansa at protektahan ang kanilang ekonomiya sa gitna ng tumitinding tensyon sa pagitan nila ng Russia.
Kaugnay nito, pinayuhan ng Ukraine ang mga mamamayan nito na umalis na sa Russia.
Inanunsyo rin ng gobyerno ng Ukraine ang obligadong pagsasailalim sa military service ng lahat ng mga lalaki na nasa tamang edad bilang paghahanda sa posibleng pagsalakay ng Russia na kamakailan lamang ay nagpadala ng tropa sa border ng Ukraine.
Samantala, sinimulan na rin ng Moscow ang paglikas sa kanilang mga diplomatic staff sa Kyiv.
Facebook Comments