Aminado ang National Economic and Development Authority (NEDA) na mahirap na matiyak kung hanggang kailan tatagal ang Ukraine-Russia crisis.
Ayon kay NEDA Sec. Karl Kendrick Chua, nagsimula na silang pag-aralan ang posibleng epekto nito sa ekonomiya ng bansa.
Aniya, nakasalalay ang magnitude ng impact kung hanggang kailan magtatagal ang kaguluhan.
Sabi pa ni Chua, ikinokonsidera nila ang Ukraine-Russia crisis bilang isang “temporary concern” na posibleng makaapekto sa apat na channels gaya ng presyo ng mga bilihin, financial market, trade at overall confident.
Samantala, inihayag naman ni Oleksiy Arestovych, adviser to the Ukrainian President’s Chief of Staff, na posibleng tumagal pa hanggang Mayo ang Ukraine-Russia crisis.
Ito ay sa oras na maubusan na ang Russia ng resources para lusubin ang Ukraine.