Government employees, maaring mag-avail ng special leave privilege para samahan ang kanilang mga anak na magpabakuna

Inanunsyo ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire na maaaring mag-avail ng special leave privileges ang mga kawani ng pamahalaan para samahan ang kanilang mga anak sa pagpapabakuna kontra COVID-19.

Aminado naman si Vergeire na hanggang sa ngayon ay marami pa rin ang atubiling magpabakuna dahil sa mga maling impormasyon na kumakalat laban sa COVID-19 vaccines.

Isa rin aniyang dahilan ng pagtanggi ng ilang indibidwal na magpabakuna ay ang paniniwala na kapag senior citizen na ay hindi na kailangang mabakunahan.


Nanindigan naman ang Department of Health (DOH) na pagtutuunan na muna nila ngayon ang mga lalawigan sa pagpapatupad ng malawakang bakunahan.

Facebook Comments