CAUAYAN CITY – Hinikayat ni Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP) at Quirino Governor Dax Cua ang mga kapwa niya lokal na opisyal ang pagkakaroon ng access sa mga abot kayang halaga ng mga pagkain.
Aniya, dapat umanong maging top priority ng mga lokal na pamahalaan ang mabilis na food access lalo na at malapit na ang holiday season.
Iminungkahi rin ni Gov. Cua na dapat ang bawat bayan ay mayroong Kadiwa ng Pangulo kung saan ang mga tindang bigas at iba pang pagkain ay nasa murang halaga.
Dagdag pa nito na malaking tulong ang pakikipag-ugnayan ng mga LGU’s sa mga magsasaka at mangingisda dahil naipaparamdam sa kanila na malaki ang kanilang gampanin sa pagkakaroon ng food access hindi lamang sa Rehiyon Dos kundi sa buong bansa.
Facebook Comments