Nilinaw ng Malacañang na maaari pang ipambayad ang P20 na perang papel.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, walang katotohanan na ang kumakalat na ulat na hindi na ito kikilalanin bago matapos ang taon.
Una nang sinabi ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na unti-unting aalisin mula sa sirkulasyon ang P20 perang papel sa pamamagitan ng natural attrition o hanggang ang isang perang papel ay hindi na akma para sa recirculation.
Nanawagan naman ito sa publiko na paikutin ang baryang P20 matapos ang mga ulat na ilang tao ang nagtatago nito bilang ipon.
Facebook Comments