Ulat na na-hack ang servers ng COMELEC, ikinabahala ng Malacañang

Ikinabahala ang Malakanyang ang ulat tungkol sa insidente ng hacking sa server ng Commission on Elections (COMELEC).

Ayon kay Cabinet Secretary at acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles, gaya ng mga kandidato ay nababahala rin sila sa ulat ngunit mas nakabubuti na hintayin na lang muna ang opisyal na pahayag ng COMELEC.

Nauna nang sinabi ni COMELEC Spokesperson James Jimenez na wala pa silang nakikitang ebidensya na na-hack ang server ng ahensya.


Sa kabila nito ay biniberipika na rin ng COMELEC ang buong sistema at ang naturang ulat.

Samantala, nakatakda namang ilabas ng COMELEC ngayong linggo ang final report sa imbestigasyon ng umano’y data breach sa kanilang server.

Facebook Comments