Mga grupong tumututol sa mandatory vaccination, nagsagawa ng kilos protesta sa Maynila

783

Nagsagawa ng kilos protesta sa Liwasang Bonifacio sa Maynila ang grupong Gising Maharlika Freedom Fighters.

Ito ay para tutulan ang planong pagpapatupad ng mandatory vaccination at ang planong pagbawalan lumabas ang mga hindi bakunado.

Anila, ito ay paglabag sa kanilang karapatan.


Nagkaroon din ng tensyon sa rally nang sila ay bombahin ng mga bumbero bago sila na-disperse.

Bunga nito, napilitan na lamang na umalis ang mga ralihista.

Facebook Comments