Ulat na nakatakas sa Marawi City ang Emir ng ISIS sa Pilipinas na si Isnilon Hapilon, bineberipika pa ng AFP

Manila, Philippines – Bine-beripika pa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang ulat na umano’y may ilang araw nang nakalabas ng Marawi City ang Abu Sayyaf leader na si Isnilon Hapilon.

Una rito, sinabi ng AFP na ilang Maute fighters ang nakalabas na ng Marawi pero nasa loob pa rin ng lungsod si Hapilon.

Ayon kay Philippine Army 1st Infantry Division Commanding Gen. Rolando Bautista – bineberipika pa nila ang ulat at dapat aniya ay may ebidensya bago nila sabihing nakatakas o patay na ang terorista.


Samantala, naniniwala naman ni defense Secretary Delfin Lorenzana na layon talaga ng ISIS sa Pilipinas na gawing teritoryo ang Marawi at Lanao del Sur.

Base na rin aniya ito sa narekober nilang video sa pinagtaguan ng teroristang grupo kung saan mapapanood ang ginawang pagpaplano nina Hapilon at magkapatid na Omar at Abdullah Maute sa paglusob sa Marawi.

Gayunman, muling iginiit ng AFP na kumpiyansa silang malapit nang matapos ang bakbakan sa Marawi.

DZXL558

Facebook Comments