Nilinaw ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na hindi totoo na nagbayad ang ahensya ng P600 million halaga ng late claims sa mga ospital na sakop ng umiiral na amnesty program.
Kasunod ito ng pagkwestiyon ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers sa mga nabigyan ng grant na mga claims na dalawa hanggang siyam na taon nang napagdesisyunan.
Ayon kay Arnel De Jesus, Executive Vice President and Chief Operating Office ng PhilHealth, handa silang makipagtulungan sa Kongreso para sa magkaroon ng kalinawan sa isyu.
Nabatid na Mayo 14 nang aprubahan ng PhilHealth ang grant na ito kahit pa tinanggihan na ito ng Protest Appeals and Review Department (PARD) ng PhilHealth noon pang 2011 hanggang 2019.
Facebook Comments