Ulat na pagpapatupad ng total lockdown sa bansa, malabo pa ayon kay Justice Sec. Guevarra

Pinabulaanan ng Department of Justice (DOJ) ang balitang kumakalat sa Facebook na magdedeklara na ng total lockdown ang pamahalaan o ang Inter-Agency Task Force (IATF).

Gayunman, inamin ni Justice Secretary Menardo Guevarra na ang isyu ng total lockdown ay kabilang sa agenda sa regular cabinet meeting ngayong araw.

Ayon kay Sec. Guevarra, posible ring pag-usapan ang unti-unting pagbawi o partial lifting sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa ilang mga lugar.


Ang magiging desisyon, aniya, ni Pangulong Rodrigo Duterte ay ibabase sa magiging rekomendasyon na isusumite ng mga attached agencies sa ilalim ng IATF.

Facebook Comments