Ulat ng COA na may P5 billion na pondo na hindi nagamit sa ilalim ng Bayanihan 1 at 2, sisiyasatin ng DOH

Tiniyak ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na bubusiin muna niya ang report ng Commission on Audit (COA) na mayroong P5 bilyon pondo sa Bayanihan 1 at 2 ang hindi nagamit.

Ayon kay Duque, hindi pa malinaw sa kaniya kung ang tinutukoy ng COA ay para lang sa DOH o kasama na ang lahat ng ahensya na tumutugon sa COVID-19 pandemic.

Aniya, titignan muna niyang maigi kung nagamit ng husto at tama ang pondo ng DOH sa pagtugon sa pandemya.


Sa kabila nito, iginiit ni Duque na ginawa ng DOH ang lahat para maibigay ang pangangailangan sa pagtugon sa COVID-19.

Facebook Comments