592 na bagong kaso ng COVID-19, naitala kahapon

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 592 na bagong kaso COVID-19 sa bansa.

Dahil dito, pumalo na sa 3 million 668 thousand 940 ang kabuuang COVID-19 cases kung saan nasa 47,173 ang aktibo.

Umabot naman sa 3 million 564 thousand 509 ang total recoveries habang nasa 57,258 ang nasawi.


Batay pa sa DOH, 24.64% ng intensive care unit (ICU) beds para sa COVID-19 patients ang okupado sa buong bansa.

Nasa 22.04% naman ang nagagamit na isolation beds at 13.66% sa ward beds.

Facebook Comments