Ulat ng New York Times kaugnay ng war on drugs ng Duterte Administration, hindi bahagi ng destabilization plot laban kay Pangulong Rodrigo Duterte

Manila, Philippines – Hindi dapat tingnan ang mga reports ng New York Times hinggil sa drug war ng administrasyon bilang bahagi ng ouster plot laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
 
Ito ang sagot ni Robredo makaraang iniugnay ng Malacañang ang feature stories ng New York Times sa umano’y nilulutong plano para i-destabilize ang Duterte administration.
 
Ayon kay Robredo, hindi basta-basta madidiktahan ng kahit sinumang politiko ang New York Times dahil wala namang saklaw ang Pilipinas sa kilalang news agency.
 
Una nang inilabas ng New York Times ang dalawang reports at isang editorial na tumatalakay sa giyera kontra droga sa Pilipinas at kay Duterte.
 
Kasabay nito, sinabi ni Robredo na umaasa siyang matutuloy pagkatapos ng semana santa ang pulong niya kay DILG Sec. Ismael Sueno hinggil sa palit ulo scheme.
 

Facebook Comments