Lalo pang lumakas ang bagyong “AGATON” habang kumikilos pa-kanluran hilagang-kanluran sa katubigan ng Guiuan, Eastern Samar.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong hanggang 80 km/h.
Kumikilos ito sa bilis na 10 km/h.kasalukuyang nakataas ang tropical cyclone wind signal no. 2 sa:
– Southern Portion Ng Eastern Samar (Guiuan, Mercedes, Salcedo, Quinapondan, Giporlos, Balangiga, Lawaan, General Macarthur, Hernani, Llorente) – Extreme Southern Portion Ng Samar (Marabut) – Northern Portion Ng Dinagat Islands (Loreto, Tubajon).
Habang signal no.1 sa: – Natitirang Bahagi Ng Eastern Samar – Natitirang Bahagi Ng Samar – Northern Samar – Biliran – Leyte – Southern Leyte – Camotes Islands – Surigao Del Norte – Natitirang Bahagi Ng Dinagat Island.
Batay sa forecast ng pagasa, magiging mabagal ang galaw ng bagyong “agaton” ngayong araw hanggang sa Martes.
Dahil dito, inaasahang magla-landfall ang bagyo sa katimugang bahagi ng Eastern Samar sa susunod na ilang oras.
Samantala, patuloy ding binabantayan ng pagasa ang isa pang paparating na bagyo na may international name na “malakas.”
Huli itong namataan kagabi sa layong 1,815 kilometers silangan ng Mindanao.
Llagay naman ng panahon sa Northern Luzon idol bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidla-pagkulog ang inaasahan sa Batanes, Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Abra, Apayao, Kalinga, Mt. Province, Ifugao, Benguet at Aurora dulot ng lokal na mga pagkidlat-pagkulog.
Katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa Hilagang-Silangan ang iiral sa Hilagang Luzon at sa lalawigan ng Aurora. Ang mga baybaying-dagat ay magiging katamtaman hanggang sa maalon.
Maximum temperature: 27.8°c
Minimum temperature: 23.5°c
Sunrise today: 5:41 am
Sunset today: 6:08 pm
Facebook Comments