ULTIMATE SURVIVOR | Angelica Panganiban, peg ngayon si Jennylyn Mercado sa pagmo-move on

Manila, Philippines – Ikinumpara ni Angelica Panganiban ang kanyang moving on process sa artistang si Jennylyn Mercado.

Ito ang sagot ng aktres nang tanungin kung sino ang kanyang peg ngayon sa pagmo-move on.

Ayon pa kay Angelica, nung una ay ang aktres na si Snooky Serna ang kanyang peg pero ngayon ay mas gusto niyang gayahin si Jennylyn na tinatawag niyang ultimate survivor.


Matatandaang dumanas din ng pagkabigo sa pag-ibig sa showbiz si Jennylyn na kasalukuyan din namang nakipagbalikan sa kanyang ex na si Dennis Trillo.

Sa kaso naman ni Angelica ay nagiging malapit sila ngayon ng kanyang ex-boyfriend na si Carlo Aquino.

Facebook Comments