Manila, Philippines – Napaso na kahapon ang ipinataw na deadline ni Pangulong Rodrigo Duterte Sa mga opisyal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para imbestigahan ang panibagong insidente ng ‘tanim-bala’ sa paliparan.
Nabatid na nag-viral ang facebook post ni Kristine Moran kung saan nasa NAIA terminal 3 siya noong June 15 para lumipad patungong Zamboanga.
Nang suriin ng x-ray machine ang kanyang mga bahage, siya ay pinigilan ng isang officer para pabuksan ang kanyang bag.
Nang inspeksyunin ang kanyang bag ay walang nakita ang officer pero biglang natagpuan ang isang 9-mm bullet sa harapang bulsa ng kanyang bagahe.
Ayon kay Special Assistant to the President Christohper ‘Bong’ Go, inatasan na ang Department of Transportation (DOTr), Manila International Airport Authority (MIAA), at ang Office for Transportation Security (OTS) para imbestigahan ang insidente.
Noong Sabado, ganap na alas-5:00 ng hapon nagsimula ang 24-hour countdown deadline.
Iginiit ni Go na hindi palalampasin ng gobyerno ang mga ganitong pangyayari at tiniyak na reresolbahin ito.