Umaabot na sa 26,615 ang bilang ng mga taong pumasok sa Manila North Cemetery simula kahapon

Inaasahan maman na ngayong gabi ay magsisimula na ang pagdagsa ng malaking volume ng mga  bisitang dadalaw sa kanilang mga kaanak na nakahimlay ditto.

 

Ayon sa Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO),800-thousand ang ina-asahang dadagsa sa Manila North Cemetery pagsapit ng hatinggabi.

 

Habang 400-thousand naman sa Manila South Cemetery.


 

Naka-antabay naman magdamag ang medical teams ng MDRRMO gayundin ang mga ambulansya at

mobile hospitals.

 

Mahigpit naman ang paalala ng pamunuan ng sementeryo na bawal ang pagpasok ng mga lighter at iba pang flammable sa loob.

 

Sa ngayon kasi pawang flammable ang nakukumpiska ng mga otoridad sa mga bisita na umaabot na sa halos pitong daan.

 

Bawal din ang bladed weapons, alak, sigarilyo baraha at stereo.

 

Patuloy naman na lumulusot ng kanilang paninda sa loob ng sementeryo ang ilang vendors sa kabila ng pagbabawal sa kanila.

Facebook Comments