Ayon kay PAGCOR Chairman and CEO Andrea Domingo, ang nasabing halaga ay gagamiting pambili ng personal protective equipment ng healthcare frontliners at panustos sa ibang gastusing may kinalaman sa pagsugpo sa nabanggit na sakit.
Tugon din aniya ito sa problema sa kakulangan sa pondo ng healthcare sector, partikular na ng mga kapos sa personal protective equipment, gamot, testing kits at iba pa.
Ayon pa kay Domingo, makatutulong ang donasyon ng pagcor na maproteksyunan ang mga healthcare workers na direktang nakakasalamuha ng mga COVID-19 patients upang patuloy nilang mapangalagaan ang kalusugan ng sambayanang pilipino.
Kasabay nito, pinapurihan at pinasalamatan ni domingo ang lahat ng healthcare workers at iba pang frontliners sa kanilang dedikasyon sa pagsisilbi sa bayan.
Tiniyak din nito ang patuloy na suporta ng pagcor sa pamahalaan sa pagharap sa krisis na ito.