UMAASA | Kamara, umaasa na maipapasa ang lahat ng priority measures sa ilalim ng pamumuno ni Senate President Tito Sotto

Manila, Philippines – Umaasa si House Speaker Pantaleon Alvarez na gaganda ang takbo ng pagpapasasa ng mga priority measures ng Kamara at Senado ngayong si Senate President Tito Sotto III na ang namumuno sa Mataas na Kapulungan.

Ayon kay Alvarez, umaasa sila na mapapabilis at mas maraming panukala na isinusulong ng pamahalaan ang maipapasa ng Senado.

Pero iginiit ng pinuno ng Kamara na ang tangi lamang naman nilang magagawa ay umasa.


Marami kasi aniya na panukala ang ipinasa ng Mababang Kapulungan pero nakabinbin lamang sa Senado.

Tiwala din ang Speaker na masusunod pa rin ang timeline sa mga priority bills ni Pangulong Duterte sa ilalim ng Sotto leadership sa Senado.

Facebook Comments