Manila, Philippines – Umaasa ang grupong Federation of Free Workers na bibigyang prayoridad ni Senate President Vicente “Tito” Sotto ang panukalang batas na magkakaroon ng Security of Tenure ang mga manggagawang Pilipino sa bansa.
Ayon kay Federation of Free Worker President Atty. Sonny Matula, ang National Trade Union kasama ang Christian and Social Democratic Orientation, ay umaasang sa ilalim ng bagong liderato ni Sotto ang Security of Tenure bills ay agad na maipagsama sama at maipasa sa Senado bilang priority bill na inindorso ni President Rodrigo Duterte noong nakaraang May 1 araw ng manggagawa.
Paliwanag ni Matula ang House of Representatives naipasa na sa ikatlong pagbasa sa sarili nilang bersyon na Security Of Tenure bill sa ilalim ng HB 6908 noong nakaraang Marso na may kaakibat na mabigat na parusa sa sinumang lumabag sa naturang probisyon.
Giit ni Matula na nakasaad sa Security of Tenure bill ang pagkilala na magkaroon ng disenteng trabaho at may dignidad ang manggagawa kung saan si Sotto aniya ay isa Katoliko na kumikilala sa Pope’s social encyclicals na binibigyan ng isang manggagawang Pilipino.
Giit ni Matula na Security of Tenure bill ay rumerespeto sa mga manggagawa kung saan umaasa ang Federation of Free Workers na si Sotto at ang Senado ay pakikinggan ang pahayag noon ni Pope Fracis nang sabihin nito na ang hindi rumerespeto sa mga manggagawa ay hindi makatao at ang workers na walang trabaho ay hindi kumpleto.