UMAASA | Mga senador, umaasang mapag-uusapan nina Pangulong Duterte at President Xi Jinping ang isyu sa WPS

Manila, Philippines – Umaasa ang mga senador na ang pagbisita ni President Xi Jinping sa bansa ngayong araw ay higit na magpapa-igting sa diplomatic at economic ties ng Pilipinas at China.

Pero sa kabila ng hangaring ito ay iginiit ni Senator Sherwin Gatchalian na dapat pa ring mapag-usapan ng dalawang leader ang isyu ng Code of Conduct sa West Philippine Sea.

Ayon kay Gatchalian, and nabanggit na code of conduct ay daan para makamit ang mapayapang sitwasyon sa mga pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.


Diin naman ni senator JV ejercito, mahalagang magkaliwanagan na sina Pangulong Duterte at Xi Jinping ukol sa controversial freedom of navigation dahil nakakakapekto ito sa business climate ng ating bansa.

Sabi naman ni Senator Panfilo Ping Lacson, dapat mapag-usapan din ang joint exploration ng mineral resources sa West Philippine Sea na tiyak makakatulong sa economic development ng ating bansa.

Giit ni Lacson, dapat 60-40 ang hatian kung saan mas malaki ang pakinabang ng Pilipinas dahil sakop ito ng teritoryo natin.

Giit naman ni Senate Minority Leader Franklin Drilon, dapat talakayin ni Pangulong Duterte sa Chinese President ang kapakanan ng ating mga mangingisda lalo na ang ginagawang pangbu-bully umano sa mga ito ng Chinese Coast Guard.

Facebook Comments