UMAASA | Opposition Senators, umaasang tutularan ng mga bumubuo sa hudikatura si Judge Andres Soriano

Manila, Philippines – Umani ng papuri mula sa mga opposition senators si Makati Regional Trial Court branch 148 Judge Andres Soriano.

Ito ay matapos ibasura ni Judge Soriano ang hiling ng Dept. of Jusice na isailalim sa hold departure order at ipaaresto si Senator Antonio Trillanes IV.

Diin ni Senate Minority Leader Frankln Drilon, nanaig ang rule of law dahil sa pagtanggi ni Judge Soriano na magamit sa panggigipit kay Senator Trillanes.


Hinangaan naman ni Senator Bam Aquino ang tapang at pagpanig sa katotohanan ni Judge Soriano na dapat tularan at magsilbing inspirasyon para sa lahat.

Para naman kay Senator Leila de Lima, para sa kasarinlan ng hudikatura ang pagsalungat ni judge soriano sa layuning patahimikin si Senator Trillanes sa pagiging kritiko ng administrasyon.

Gayunpaman, iginiit ni de Lima na hindi pa rin dapat maging kampante dahil siguradong gagawin ng administrasyon ang lahat para mabaligtad ang desisyon ni Judge Soriano upang maisakatuparan ang pagpapakulong kay Senator Trillanes.

Facebook Comments