Manila, Philippines – Umaasa ang Department of Public Works ang Highway na mababawasan na ang mga pagbaha sa Metro Manila.
Kasunod ito ng pagtatapos ng halos pitong-bilyong pisong halaga ng river channel improvement project ng DPWH katuwang ang Japan International Cooperation Agency o JICA.
Sa ilalim ng proyekto, pinalitan at mas pinatibay ang mga pader sa gilid ng ilog pasig mula sa tulay ng delpan hanggang napindan channel.
Sakop nito ang lungsod ng Maynila, Makati, Mandaluyong at Pasig.
Naglagay din ng pader sa bahagi ng ilog ng Marikina mula sa napindan channel hanggang sa manggahan floodway at drainage system na sumasakop sa mga lungsod ng Pasig, Taguig at Quezon.
Facebook Comments