Manila, Philippines – Umaasa ang pamunuan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC na walang maitatalang casualties sa kabila ng patuloy na pagbuhos ng ulan.
Ito ay dahil sa epekto ng habagat at pagpasok pa ng panibagong bagyong Inday sa Philippine area of responsibility.
Ayon kay NDRRMC Spokesperson Director Edgar Posadas nagpapatuloy ang kanilang monitoring sa mga lugar na nakakaranas ng sama ng panahon.
Partikular aniya nilang tinututukan ang region 3, CALABARZON, MIMAROPA AT National Capital Region.
Sa ngayon patuloy rin ang assessment ng NDRRMC upang matukoy ang kabuuang pinsala idinulot ng bagyong henry at habagat sa agrikultura at imprastraktura.
Sa kanilang inisyal na monitoring aabot sa 2.9 milyong pisong halaga ang nasira ng bagong henry at habagat sa sektor ng Agrikultura sa region 4B.