ANTI-DRUG OPS | Bilang ng mga namatay na pulis, umakyat na sa 87

Umakyat na 87 pulis ang napatay sa mga ikinasang anti illegal drugs operations ng Philippine National Police.

Ang datos ay mula sa buwan ng February 2017 hanggang kahapon.

Pinaka huling nasawi sa operasyon ay si Police Officer 1 Mariano Caparas ng General Tinio Municipal Police Station sa Nueva Ecija.


Sa report na natanggap ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde, napatay si PO1 caparas makaraang makipag putukan ang aarestuhing drug suspek na kinilalang si alyas abet sa brgy Pias.

Nagpahatid naman ng pakikiramay si Albayalde sa mga naulila ni PO1 Caparaz na nagpakita ng dedikasyon sa trabaho.

Pangako pa ni Albayalde na mabilis na mailalabas ang mga benepisyong nakalaan para sa pamilya ng napaslang na pulis.

Facebook Comments