Manila, Philippines – Umabot na sa 9.8 milyong mga Pilipino ang walang trabaho sa 3rd quarter ng 2018.
Batay ito sa panibagong survey ng Social Weather Stations (SWS).
Sa resulta ng survey, lumabas na 22 percent ang adult joblessness na mas mataas kumpara sa 19.7 percent noong June 2018.
Sa kabuuang bilang, 9.2 percent o katumbas ng 4.1 milyong Pilipino ang natanggal sa trabaho, 8.4 percent o 3.7 million ang nag-resign habang 4.4 percent o dalawang milyon ang naghahanap ng trabaho sa unang pagkakataon.
Pinakamaraming bilang na walang trabaho ay naitala sa Metro Manila (26.4%) at sinundad ng balance Luzon (22.9%).
Tumaas din ng anim na puntos ang joblessness rate sa Visayas na may 19.6 percent habang bumaba sa Mindanao, 19.7 percent mula sa dating 21.2 percent.
Lumabas din sa survey na mas mataas nag bilang mga babaeng walang trabaho (32.8%) kumpara sa mga kalalakihan (14.3%).
Isinagawa ang survey mula September 15 hanggang 23 na nilahukan ng 1,500 respondents na may edad 18-anyos pataas.