Umabot na sa 613 ang bilang ng job seekers na nagparehistro sa nagpapatuloy na Radyo Trabaho ‘Giya sa Panginabuhi’ Mega Job Fair ng DXCC 828 RMN CDO at PESO CDO

37

Sa nasabing bilang, 417 dito ay local at 196 ang sumubok na mag-apply abroad.

As of 2:30 initial count, 11 na ang hired on the spot bilang Sales Clerk, Sales Consultant at Merchandiser.


Karamihan sa mga nagpuntang aplikante ay taga dito mismo sa CDO habang may mga dumayo pa mula sa Iligan, Bukidnon, Butuan, Misamis Oriental at Ozamis City.

Disi nuebe ang pinakabatang aplikante at singkwentay kwatro naman ang pinakamatanda kung saan karamihan dito ay Senior Highschool Graduate, Vocational Grad, Undergrad at College Grad.

Maari pang humabol at mag-apply dahil hanggang alas 5:00 pa ito ng hapon dito sa  Activity Center ng Ayala Centrio.

Kabilang sa 45 kompanya na inyong mapagpipiliam ay ang Rebisco, Robinsons Reatail Holdings, Inc., Citi Hardware, EuroAsia Philippines, Ororama Supermarket Corp., HMR Philippines, Ford CDO, at Asia Brewery, Inc.

Ang nasabing Mega Job Fair ay kasabay ng launching ng DXCC 828 RMN Cagayan De Oro sa Radyo Trabaho.

Facebook Comments